Minimum na pasahe sa jeep, P11 na simula sa July 1

Minimum na pasahe sa jeep, P11 na simula sa July 1

June 29, 2022 @ 7:11 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Simula sa Hulyo 1, magiging P11 na ang minimum na pamasahe sa mga pampasaherong jeep.

Ito ay makaraang aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang karagdagan pa ulit na piso na provisional increase mula sa P9 na minimum fare sa jeep.

Matatandaang nito lamang ding unang linggo ng Hulyo nang pagbigyan ng board ang hirit ng ilang transport group na ibalik ang pisong provisional increase sa pamasahe.

Sa gitna na rin ito ng walang prenong taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Kahapon nang isagawa ng LTFRB ang pagdinig sa apela ng mga jeepney driver at operator na P4 hanggang P5 taas-pasahe. RNT/ JCM