Minimum wage hike policy pinasusuri ni Tulfo

Minimum wage hike policy pinasusuri ni Tulfo

February 15, 2023 @ 3:23 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naghain ng resolusyon si Senador Raffy Tulfo upang suriin ang kasalukuyang polisiya ng pamahalaan patungkol sa minimum wage increase.

“The current minimum wage will not be able to sustain the living conditions of workers, and many workers are facing significant financial difficulties as a result and the issuance of an emergency wage order may be necessary to address these challenges,” pahayag ni Tulfo sa kanyang proposed Senate Resolution 476.

Sa naturang pagdinig, target busisiin ang naturang polisiya upang makatulong sa mga mamamayan na magkaroon ng maayos na pamumuhay, partikular na ang nasa lower income bracket.

Binanggit ni Tulfo sa kanyang resolusyon ang pinakahuling minimum wage increase noong Hunyo 4, 2022 kung saan ang rate ay nasa P533 hanggang P570 kada araw sa National Capital Region.

Samantala, umiral naman ang minimum wage increase sa mga probinsya mula Hunyo 6 hanggang Hunyo 30, 2022 sa rate na naglalaro sa
P306 hanggang P470.

Sa kabila nito, sinabi ni Tulfo na dahil sa inflation na tumaas pa sa 8.7% nitong Enero 2023, magiging matindi ang epekto nito at mahihirapan ang mga manggagawa na tugunan ang kanilang pangangailangan sa kasalukuyang sahod.

“It is imperative to improve the standard of living and quality of life for workers, particularly those in the lower income bracket and to ensure that the policies on the minimum wage increase are fair, effective, and consistent with the needs of the workers and the economy,” ani Tulfo. RNT/JGC