Minimum wage hike policy rebyuhin – Tulfo

Minimum wage hike policy rebyuhin – Tulfo

February 16, 2023 @ 12:16 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinasisilip ni Sen. Raffy Tulfo ang patakaran para sa pagtaas ng minimum na sahod.

Sa kanyang inihaing Senate Resolution No. 476, binanggit ni Tulfo na ang minimum wage increase noong nakaraang taon ay hindi makapagpapanatili ng mga manggagawa, lalo na sa pagtaas ng presyo dahil sa inflation.

“It is the responsibility of the state to ensure that the minimum wage is set at a level that provides workers with a decent standard of living, taking into account factors such as inflation rates,” ayon sa resolusyon.

Idinagdag niya na ang patakaran sa minimum wage hike ay dapat na “patas, epektibo, at naaayon sa mga pangangailangan ng mga manggagawa at ekonomiya.”

Ang huling pagtaas ng minimum na sahod ay nagkabisa noong Hunyo 4, 2022, na may mga rate na mula ₱533 hanggang ₱570 bawat araw sa National Capital Region. Nagkabisa ito sa labas ng Metro Manila sa pagitan ng Hunyo 6 hanggang Hunyo 30, 2022, na may mga rate na mula ₱306 hanggang ₱470.

Sinabi ni Tulfo na sa kabila ng pagtaas ng sahod, malaki ang epekto ng inflation sa cost of living.

Noong Enero 2023, ang inflation rate ay bumilis sa 8.7%—ang pinakamabilis mula noong Nobyembre 2008.

Nanawagan din ang mga labor groups para sa panibagong yugto ng pagtaas ng sahod para mabawi ang nawalang purchasing power ng mga manggagawa sa buong bansa. RNT