Mining firm ops na nagpabago ng kulay ng tubig sa ilog sa Davao Oriental, pinatigil ni Cimatu

Mining firm ops na nagpabago ng kulay ng tubig sa ilog sa Davao Oriental, pinatigil ni Cimatu

January 20, 2022 @ 5:36 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Upang protektahan ang kapaligiran ipinag-utos ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu ang suspensiyon ng extraction activities ng mining company sa Mapagba at Pinatatagan rivers na matatagpuan sa Banaybanay, Davao Oriental noong Enero 14 dahil sa heavy siltation ng dalawang ilog.

“I have received the report yesterday (Enero 17) confirming that the river has turned red due to extraction activities. I have instructed our regional office to immediately address the incident and to suspend the operations of the mining company,” ani Cimatu sa DENR’s Expanded Executive Committee Conference na ginanap noong Enero 18.

Sa press release base sa inisyal na imbestigasyon at pagsusuri ng DENR-Davao Region, kasama ang Mines and Geosciences Bureau at Environmental Management Bureau ng rehiyon, ang pagdumi at pagbago ng kulay ng Mapagba at Pinatatagan rivers ay dahil na rin sa extraction activity ng Riverbend Consolidated Mining Corporation/Arc Nickel Resources, Inc.

“Heavy and continuous rains last January 13 and 14 have pushed overburden materials which contributed to the overflowing of silt pond, draining towards the said rivers,” nakasaad pa sa ulat.

Kaugnay nito noong Enero 17, ang DENR-Davao Region ay nag-isyu ng cease and desist order (CDO), notice of violation at show cause order sa mining company.

“I directed for the [issuance] of cease and desist order, suspension of that mining company, conduct of immediate investigation, and submission of investigation to PAB or Pollution Adjudication Board,” sabi ni Cimatu.

Samantala binigyang-diin pa ng DENR chief, ang kautusan sa agarang pagpapahinto sa operasyon ng Riverbend Consolidated Mining Corporation/Arc Nickel Resources, Inc. ay upang maiwasan na muling mangyari ang parehong insidente sa mga darating na panahon.

“This is for them to face the consequences immediately. If they will be suspended, so be it. If penalty, or combination of the two, then better–to avoid this from happening again,” saad ni Cimatu.

“The disturbed surface of the mining company, their stockpiles, and their pond has overflowed due to heavy rains which had been going on for a couple of days. When it reached the river, the residents raised their concerns, particularly the fishermen,” dagdag nito. Santi Celario