Ministop nag-pull out na sa Pinas, SoKor

Ministop nag-pull out na sa Pinas, SoKor

January 23, 2022 @ 10:14 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nag-pull-out na ang Japanese convenience store chain Ministop sa South Korea at Pilipinas dahil magpopokus sila sa pagpapalakas nito sa kanilang home market.

Ang Ministop, ay myembro ng leading Japanese retail group na Aeon na nakatakdang ibenta ang Ministop Korea sa kompanyang Lotte matapos ang isinagawang rebyu ng antitrust regulators sa isang deal.

Ang Ministop Korea, ay ang pang-limang pinakamalaking chain sa South Korea na may 2,600 locations na nagsimulang mag-opereyt noong 1990 pero nahirapang makipagkumpetensya.

Nitong Pebrero 2021, ang operating revenue ng Ministop ay umabot lang sa 6% na 97.9 billion yen, habang ang net loss ay lumawak sa 1.2 billion yen mula sa 100 million yen loss sa naunang taon.

Sa nasabing deal, ibibigay ng Ministop sa Lotte, ang operator ng 7-Eleven chain sa South Korea, ang ilang mga logistic center sa tabi ng Ministop.

Sa anunsyo pa ng Ministop ay ibebenta nila ang kanilang 40% shares sa Robinsons Convenience Stores na nag-oopereyt ng 460 Ministop stores sa Pilipinas para makipag-partner sa Robinsons Supermarket. RNT