Ministry of Indigenous Peoples Affairs chief ng BARMM patay sa ambush

Ministry of Indigenous Peoples Affairs chief ng BARMM patay sa ambush

December 21, 2022 @ 10:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Binaril-patay ang pinuno ng Ministry  (MIPA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Cotabato City nitong Martes ng hapon.

Kinilala ni Police Major Amil Andungan Jr., hepe ng Cotabato City police Station 2, ang biktimang si Jocelyn Samar Palao, 52 anyos, ng Timanan South Upi, Maguindanao del Sur, na tinambangan ng hindi pa kilalang mga salarin dakong alas-5 ng hapon.

Nangyari ang pananambang sa LR Sebastian Street, Rosary Heights 11, Cotabato City.

Pauwi na sana si Palao, na nakaupo sa likurang bahagi ng mini van, at dalawang kasamahan nang paputukan ng mga suspek ang kanilang sasakyan. RNT