Minorya, natuwa sa pangakong no-zero budget ni SGMA

Minorya, natuwa sa pangakong no-zero budget ni SGMA

August 6, 2018 @ 2:14 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Para sa mga mambabatas na nasa Minorya, nakahinga sila nang maluwag sa anunsyo ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na walang mase-zero na budget sa mga opposition congressmen.

Ayon kay Isabela Rep. Rodito Albano na kasapi sa Minorya ng Alvarez bloc na ang hakbang ni Arroyo ay pagpapakita ng Act of Statesmanship, ipinakikita lamang umano ng bagong House Speaker na patas ito at wala sa bokubularyo ang paghihiganti sa mga kongresista na hindi sumuporta sa kanya.

Dinepensahan din ni Albano na hindi pamumulitika ang ginagawang pagbisita ni Arroyo sa mga lalawigan para magbigay ng tulong, aniya, ang ganitong aksyon ay paraan din para ilapit ang Kamara sa publiko at maganda din umano na aktibo ang mga mambabatas sa pagtulong sa kanilang mga distrito lalo na sa panahon ng kalamidad.

Mainam umano na huwag nang kulayan ng mga kritiko ang galaw ni Arroyo, ani Albano, kumbinsido siya na walang hangad si Arroyo na maging Prime Minister gaya ng ibinibintang ng mga kritiko.

Sinabi naman ni Caloocan Rep Edgar Erice na umaasa siyang tutuparin ni Arroyo ang kanyang pangako na no-zero budget sa mga mambabatas, aniya, umaasa silang hindi rin tatapyasan ang budget upang masigurong maisusulong ng mga mambabatas ang kanilang mga programa sa kani-kanilang distrito. (Gail Mendoza)