Misa de Gallo nakadepende sa LGUs – Roque

Misa de Gallo nakadepende sa LGUs – Roque

November 27, 2020 @ 6:58 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na walang direktiba ang national government kaugnay sa Misa de Gallo ngayong Kapaskuhan.

Napagdesisyunan aniya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na ibigay ang pagpapasya sa local government units tungkol sa Simbang Gabi.

Paliwanag ni Roque, nauna nang ini-adjust ng mga mayor sa Metro Manila ang curfew hours na ngayon ay 3 a.m. na.

Ang Simbang Gabi ay ang isa sa naging tradisyunal ng mga Pilipino lalo sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan.  RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...