Misa para sa ADU stude na biktima ng hazing, idinaos

Misa para sa ADU stude na biktima ng hazing, idinaos

March 1, 2023 @ 7:43 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Idinaos ang isang misa para kay John Mathew Sililig, 24-anyos na Chemical Engineering student ng Adamson University.

Si Sililig ay hinihinalang biktima ng hazing ng isang fraternity na matatandaang natagpuan ang wala nang buhay na katawan nito sa isang lote sa Imus, Cavite.

Sa impormasyon, pinaniniwalaang nakatanggap ng 70 palo ang biktima bilang bahagi ng initiation rites para sa kanya. RNT