Misamis Gov nagbabala sa pekeng solicitation sa donasyon sa flood victims

Misamis Gov nagbabala sa pekeng solicitation sa donasyon sa flood victims

December 26, 2022 @ 3:49 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagbabala si Misamis Occidental Governor Henry Oaminal sa publiko na mag-ingat laban sa mga grupong nagso-solicit para umano sa donasyon sa mga biktima ng baha sa probinsya.

“It has come to our attention that there are individuals/groups trying to solicit donations and claiming to have turned them over to affected individuals in the province, where in fact they have not,” ani Oaminal sa kanyang Facebook post nitong Pasko, Disyembre 25.

Hinimok rin niya ang publiko na maging mapagmatyag sa mga oportunista at scammer sa panahong ito.

Ayon kay Oaminal, ginagamit ng lokal na pamahalaan ang pondo nito para makapagbigay ng tulong sa biktima ng landslides at pagbaha.

“Further, please be informed that the provincial government is on top of the situation and is utilizing all of its available resources to provide relief needs to our beloved Misaminons who are affected by the heavy rains, flooding and landslides,” aniya.

Sa kabila nito, sinabi naman niya na ang mga nais tumulong o magbigay ng donasyon ay makipag-ugnayan lamang sa kani-kanilang mga local government units.

Matatandaan na nagpabaha sa Misamis Occidental at malaking bahagi ng Visayas at Mindanao ang shear line at amihan kung saan sa huling ulat ay mayroon nang anim na nasawi sa buong bansa dahil dito. RNT/JGC