Misencounter: PDEA at QCPD nagpang-abot umano sa ikinasang drug ops

Misencounter: PDEA at QCPD nagpang-abot umano sa ikinasang drug ops

February 24, 2021 @ 9:00 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

DEVELOPING – Sumiklab ang isang engkwentro sa pagitan umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) sa ikinasang anti-drug operation sa Ever Gotesco sa Commonwealth, Quezon City, nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa ilang source na misencounter umano ang nangyaring putukan kung saan dalawa sa tropa ng mga pulis ang nalagas, base na rin sa pagkumpirma ni Philippine Red Cross Chief, Senator Richard ‘Dick’ Gordon.

Giit ng source na posibleng hindi umano nagkaroon ng koordinasyon sa pagitan ng PDEA at Drug Special Operations Unit ng Kapulisan sa nasabing operasyon dahilan ng maling putukan.

Sa ulat nakasuot ng pangsibilyan ang mga pulis, habang unipormado naman ang PDEA dahilan para mapagkamalang suspek ang tropa ng parak.

Inilarawan ng source ang nagyari bilang “self-bust” kung saan ang tropa ng PDEA ang kunwaring magbebenta ng droga, habang buy-bust naman ang operasyon ng pulisya kung saan ang poseur buyer ang bibili ng droga saka huhulihin ang source.

Dahil dito, hindi malayong nagpang-abot ang dalawang tropa.

“Posibleng labanan dyan ay asset to asset,” ayon pa sa source.

Parehong iginigiit ng QCPD at PDEA na lehitimo ang kani-kanilang operasyon.

Sa kabila nito ay patuloy pa ring kinukumpirma ang kabuuang detalye sa nangyaring umanoy misencounter.

Kinumpirma naman ng pamunuan ng Ever Commonwealth ang nangyaring barilan.

“We have confirmed reports of a shootout that happened earlier outside of Ever Commonwealth. We have secured all acces to the mall so all shoppers are safe inside. Our Priority right now is to ensure the safety of the employees and the public. The management is closely coordinating with the PNP of the current situation. Please bear with us as we allow the authorities to handle the situation. For now, we hope for everyone’s cooperation to exercise caution in sharing unconfrimed in sharing unconfirmed infromation online.” Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •