Misencounter sa pagitan ng pulis at militar, inako ni Pangulong Duterte

Misencounter sa pagitan ng pulis at militar, inako ni Pangulong Duterte

June 30, 2018 @ 9:53 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Inako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte  ang kasalanan sa nangyaring “misencounter” sa Sta. Rita, Samar  na nagresulta ng pagkamatay ng  6 na pulis at pagkasugat ng 9 na iba pa.

Ang katuwiran ng Pangulo, siya kasi ang top commander ng military at kapulisan.

“I’d like to tell you that the ultimate blame was on me being the Commander-in-Chief because I am their leader. There was a lot of tragic stories around the incident. I told the families to forget it since it was not intentionally done,” ayon sa Pangulo.

Binisita ng  Pangulo ang burol ng napatay na pulis sa Philippine National Police (PNP) regional headquarters sa Palo, Leyte at mga nasugatang pulis  sa Eastern Visayas Regional Medical Center.

“You know, the Murphy’s Law operates the way it is. If things can go wrong, it will go wrong. And so I said to the police and soldiers, I am your commander and it’s all my fault. Let us forget the hurt. Allow the investigation to go on and let us see what develops in the future,” anito.

Nagbigay naman ang Pangulo ng tig-PHP225,000 financial assistance sa kada pamilya at inilagay nito sa ibabaw ng kabaong ang Order of Lapu-Lapu medal na may ranggong Kalasag.

Iginawad ng Pangulo ang Order of Lapu-Lapu Rank of Kalasag sa mga pulis na sina Wyndell Noromor, Edwin Ebrado, Phil Rey Mendigo, Julius Suarez, Rowell Reyes at Julie Escalo.

Ang Rank of Kalasag ay ibinibigay sa mga indibidwal na namatay sa gitna ng partisipasyon nito sa kampanya o adbokasiya ng Presidente.

Kasama ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa mga napatay at nasugatang pulis sina Special Assistant to the President (SAP) Bong Go,  Defense Secretary Delfin Lorenzana, Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, Armed Forces of the Philippines Chief Gen. Carlito Galvez, PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, at Leyte Governor Leopoldo Dominico Petilla. (Kris Jose)