Misis ginilitan ang leeg sa maisan

Misis ginilitan ang leeg sa maisan

August 10, 2022 @ 8:04 AM 2 months ago


NAGUILLAN, ISABELA- Halos naliligo na ng sariling dugo at wala ng buhay ang ginilitan sa leeg na misis nang matagpuan sa maisan sa Brgy. Quinalabasa, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Josie Bonifacio , 40-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Quirino, Naguilian, Isabela.

Sa pagsisiyasat ng pamunuan ni PMaj.Junniel Perez, hepe ng Naguilian Police Station at Scence of the Crime Operatives ay nagtamo ang biktima ng sugat o laslas sa leeg, at magkabilang pulso, ulo at iba pang parte ng katawan na sanhi ng kanyang kamatayan.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin nagsasagawa ng pulisya ng malalimang imbestigasyon kung ano ang motibo at sino ang nasa likod sa pamamaslang sa biktima. Rey Velasco