Misis inutas ni mister dahil sa selos

Misis inutas ni mister dahil sa selos

November 21, 2020 @ 3:04 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Ilocos Sur, Philippines — Tigok ang isang 38-anyos na ginang matapos barilin ng kanyang live-in partner dahil sa labis na selos sa Brgy. Nagsingcaoan, Galimuyod ng lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Anita Angel Fernando, residente ng Brgy. Ayusan Sur, Sta. Lucia, Ilocos Sur.

Nakapiit na sa pulisya ang suspek na si Gilbert Nanag, 39, residente ng Brgy. Legaspi, Galimuyod.

Sa imbestigasyon, isang tawag ang natanggap ng Galimuyod Police Station mula sa Banayoyo Police Station na nagsasabing isang lalaki ang nagpunta sa kanilang himpilan para sumuko matapos barilin ang kanyang live-in partner.

Nabatid na ang pamamaril ay nangyari sa Pangangpang-Bidbiday Road sa Brgy. Nagsingcaoan.

Agad namang nagtungo sa lugar ang mga miyembro ng Galimuyod Police Station at nadatnan nila ang biktima na naliligo sa dugo dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at likod.

Mabilis nilang dinala sa Candon City Hospital ang biktima pero idineklara itong dead-on-arrival.

Selos ang isa sa mga tinitingnan ng pulisya na motibo sa krimen. Rolando S. Gamoso


  •  
  •  
  •  

Loading...