Misis, kalaguyong pulis tinambangan ng mister na sundalo

Misis, kalaguyong pulis tinambangan ng mister na sundalo

August 10, 2022 @ 9:15 AM 2 months ago


NAGUILLAN, ISABELA-Maswerteng nakaligtas ang isang misis habang kasama niya ang kanyang kalaguyong pulis matapos na tambangan sila ng mister na sundalo habang binabagtas ang pambansang lansangan sa Brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela.

Kinilala ni PMaj. Junniel Perez, hepe ng Naguillan Police Station ang biktima na si Jinky Castañeda, 31-anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Sta. Filomena, San Mariano, Isabela.

Habang kinilala naman ang suspek na si Jayson Cabanilla, 31-anyos, miyembro ng Philippine Army, may asawa at residente ng Brgy. Sipay, City of Ilagan, Isabela.

Una rito, nakasakay sa unahang bahagi ng passenger seat ang biktima na minamaneho ni PSSg Vicente Soliva Jr., nasa hustong gulang, at miyembro ng PNP kung saan mayroong dalawang iba pa na sakay sa likurang bahagi ng sasakyan na anak ng biktima.

Habang binabagtas ng biktima ang katimugang direksyon tungong lungsod ng Cauayan, biglang humarang ang isang kotse mula sa kabilang linya ng kalsada kung saan nagawa pa itong iwasan ng sinasakyan ng biktima at patuloy na tumakbo ngunit binaril ito ng suspek ng isang beses na tumama sa side window ng drayber.

Tinamaan ang ginang sa kaliwang bahagi ng kaniyang leeg at kaagad namang naisugod sa pagamutan ng rumespondeng pulis.

Tinitignan anggulo ay may kaugnayan sa love triangle.

Kaagad din sumuko sa Naguilian Police Station ang suspek dala ang kaniyang issued firearm Glock 17 na may Serial No. na AFP036509 na may isang loaded magazine na may 14 live ammunitions na siyang ginamit umano sa pamamaril sa kanyang misis. Rey Velasco