Misis, kalaguyong sundalo kulong!

Misis, kalaguyong sundalo kulong!

May 4, 2022 @ 11:35 AM 2 months ago


CAGAYAN DE ORO CITY- Kulungan ang kinabagsakan ng isang misis at loverboy nitong sundalo matapos silang mahuli ng kanyang mister na pulis sa loob ng motel sa lungsod na ito.

Nahaharap ngayon sa kasong Adultery ang misis na itinago sa pangalang Lina at kalaguyo nitong si Lito, miyembro ng Philippine Marine Corps.

Batay sa report ng Carmen Police Station, nahuli ang magkalaguyo sa loob ng motel Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City.

Ayon sa pulisya, nagtungo sa kanilang himpilan ang isang Police Corporal na itinago sa pangalan Boboy, para pormal na magsampa ng reklamo laban sa mga suspek at ipahuli ang mga ito.

Nagtungo ang pulisya sa nasabing lugar at naabutan ang mga suspek na magkayakap habang nakasuot lamang ng nighties ang misis.

Nakuha rin ng mga pulis kay Lito ang isang .99mm pistol na service firearm ng suspek at posibleng maharap rin ito sa Violation of Comelec gun ban.

Kuwento ni Boboy, nalaman niyang magkasama ang kanyang misis at suspek kaya sinundan niya ang mga ito at nahuling pumasok sa loob ng motel.

Agad na nagtungo sa naturang himpilan ng pulisya si Boboy na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawa. Mary Anne Sapico