Misis kinatay ng selosong mister

Misis kinatay ng selosong mister

August 17, 2022 @ 12:36 PM 2 months ago


PAMPLONA, CAGAYAN- Patay ang isang misis matapos na pagtatagain ng kanyang mister sa Purok 6, Barangay  Gattu, Pamplona, Cagayan.

Kinilala ni PMaj. Jose Cabaddu, hepe ng Pamplona Police Station ang biktima na si Evangeline Pagarigan  y Bautista  50-anyos  habang ang suspek na kanyang mister ay si Relix Pagarigan y Buddua, 49-anyos, Brgy. tanod na kapwa residente sa Purok 6 Barangay Gattu, Pamplona, Cagayan.

Una rito, nakatanggap ang Pamplona Police Station ng ulat hinggil sa insidente na kaagad nilang tinugunan.

Kung saan ay natagpuan sa loob ng kwarto ang bangky ng biktima na naliligo sa sariling dugo.

Tinaga sa leeg at balikat ang biktima na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Base sa imbestigasyon ng mga pulisya, selos ang tinitignang motibo sa likod ng krimen.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng manhunt operation laban sa suspek dahil tumakas ito matapos ang pananaga sa kanyang misis. Rey Velasco