Misis kinatay ni tatay sa tabi ng anak

Misis kinatay ni tatay sa tabi ng anak

January 13, 2023 @ 11:31 AM 2 weeks ago


DAVAO CITY –MINSAN pang napatunayan na walang mabuting dulot ang matinding selos matapos pagsasaksakin hanggang sa mamatay ang isang misis ng kanyang mister kagabi bayan ng Sarangani.

Kinilala ang biktimang si Rizalyn Jose, 27, habang tugis naman ang suspek at mister nitong si Neritz Tapican Jose alyas Renren, 37, at residente sa kapwa Sitio Kaltipay, barangay Tucal,Sarangani, Davao Occidental.

Batay sa report ng Sarangani Municipal Police Station, dakong 10:00 PM naganap ang krimen sa loob ng tahanan ng mag-asawang Jose.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, himbing na natutulog ang biktima kasama ang anak ng bigla na lamang itong pinagsasaksak ng suspek gamit ang 10 pulgadang haba na kutsilyo.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek habang dinala naman sa ospital subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doctor.

Nabatid, bago ang krimen nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa dahil sa matinding selos ng suspek at nauwi sa pa ito sa barangay para maghusay.

Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang suspek./Mary Anne Sapico