Misis na killer sa kanyang live in partner, arestado

Misis na killer sa kanyang live in partner, arestado

July 10, 2021 @ 11:16 AM 1 year ago


NUEVA VIZCAYA-Sadyang mahaba ang kamay ng batas dahil halos tatlong taon na pagtatago ng akusadong misis ay natunton ng kapulisan ang isa sa dalawang suspek sa pagpatay sa kanyang live in partner sa Lower Magat, Diadi dito sa nabanggit na lalawigan.

Kinilala ang akusado na si Gemmalyn Mayo, 34 anyos, may asawa at residente ng P. Paterno St., Villa Carmen Vironica Village, Brgy. Santa Lucia, Novaliches, Quezon City.

Napag-alaman si Mayo ay itinuturing na top 6 most wanted person sa boung region 2.

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Diadi Police Station, 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company, Kayapa Police Station, Regional Intelligence Unit 2 (RIU2), Nueva Vizcaya Provincial Intelligence Unit (NVPIU), Sub-Station 5 QCPD and 142nd SAC 14th SAB PNP SAF sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Cicero B Jandoc, Presiding Judge ng Regional Trial Court  Branch 28, Second Judicial Region sa Bayombong, Nueva Vizcaya noong November 13, 2019 para sa kasong Murder o pagpatay at walang pyansang nakalaan para sa pansamantalang kalayaan nito.

Taong January 2019 ng mangyari ang nasabing pagpatay sa biktima na kinilalang si Eugenio Turingan, residente ng Cauayan City, Isabela kung saan ay natagpuan itong duguan sa labas ng kanyang tinuluyang booth sa Lower Magat Eco Tourism Park, Diadi, Nueva Vizcaya.

Una rito, nagkaroon umano ng relasyon ang biktima sa suspek kung saan ay gusto ng tapusin ng suspek ang namamagitan sa kanilang dalawa ngunit dahil sa patuloy na pagpupumilit nito sa kanya ay ginamit ng suspek ang bago nitong karelasyon na isang Security Guard sa nasabing lugar ng pinangyarihan at doon pinag-planuhan ang pagpatay.

Pansamantala, nasa kustodiya na ng Diadi Police Station ang naarestong suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang ang isa pa nitong kasamahan ay patuloy na pinaghahanap ng kapulisan. (REY VELASCO)