Misis na-shock: Mister huli, katalik ang kalaguyong 72-anyos

Misis na-shock: Mister huli, katalik ang kalaguyong 72-anyos

July 30, 2018 @ 6:42 PM 5 years ago


 

Alabama, USA – Isang ginang ang na-shock, pati ang mga kasama niyang pulis, nang mahuli niya sa akto ang kanyang 26-anyos na mister na nakikipagtalik sa kalaguyo nitong babae sa isang motel sa Birminghang, Alabama, USA.

Kung bakit hindi makapaniwala ang 24-anyos na ginang at ang mga pulis ay dahil natuklasan nilang ang kalaguyong babae ng batam-batang mister ay isang 72-anyos na isa nang lola.

Tinawag tuloy ng mga pulis ang insidente na isang “bizarre love triangle”.

Ilang buwan matapos ikasal, sinabi ng batang misis na napansin niya ang mga pagbabago sa ikinikilos ng kanyang mister.

Naging madalas na rin ang pag-uwi nito ng hatinggabi at minsan ay hindi pumapasok sa trabaho.

Dahil sa pagdududa, kumuha ang 24-anyos na ginang ng private detectives para masubaybayan ang kanyang mister.

Hindi nga nagkamali, natuklasan ng mga agent ng Carter Harris Group Investigation ang mister na madalas pumasok sa Premier Inn, kasama ang isang babae.

Sinasabing napahagulgol ang ginang nang malaman ang pagtataksil sa kanya ng asawa kaya naman agad siyang humingi ng tulong sa mga awtoridad para hulihin sa akto ang mister at kabit nito.

At lalo siyang na-shock dahil imbes na ang mister ang masorpresa ay siya pa ang nagulantang nang mahuli sa akto ang mister na binabayo sa ibabaw ng kama sa loob ng motel ang matandang babaeng kalaguyo nito.

Sa pagsisiyasat, nabatid na nakilala ng mister ang 72-anyos na kalaguyo sa dating websites para sa mga matatanda.

“They uncovered that he’d registered with several dating websites,” ayon sa imbestigador. Nats Taboy