Misis na tokhang responder, natiklo uli sa droga

Misis na tokhang responder, natiklo uli sa droga

February 23, 2021 @ 2:04 PM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

CAGAYAN, Philippines-Arestado ang isang dating tokhang responder na babae sa isinagawang pagsisilbi ng search warrant sa tirahan nito sa Barangay Bulala, Camalanuigan dito sa nabanggit na lalawigan.

Sa ulat kay PCol. Ariel Quilang, director ng Cagayan Police Provincial Office, matagumpay ang isinagawang operasyon ng kanilang operatiba kasama ang PDEA at mga opisyal ng barangay laban kay Nhina Margaret Foronda Garceron, 32, may asawa, residente at health worker ng nasabing barangay.

Ayon kay PCapt. Bacuyag, base sa datos ng PNP at PDEA ay nasa listahan din ng mga High Value Target si Garceron kung kaya ay masusi siyang minatyagan.

Nakuha sa pag-iingat ni Garceron ang apat na piraso ng heat sealed sachet na may lamang hinihinalang shabu. Bukod sa droga ay nakuhanan pa siya ng bala ng cal. 45 pistol at cal. 38 revolver.

Dati nang natokhang ang suspek at natapos pa nito ang proseso o programang isinagawa para sa mga natokhang noong 2019, ngunit muling nagbalik sa bisyo sa illegal na droga.

Nahaharap ngayon ang suspek sa paglabag sa Section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drig Act of 2002 at  RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. REY VELASCO


  •  
  •  
  •