Misis nakipagtalik sa akalang ‘mister’ sa dilim

Misis nakipagtalik sa akalang ‘mister’ sa dilim

November 5, 2022 @ 3:40 PM 3 weeks ago


Bulacan- Kalunos-lunos ang sinapit ng 26-anyos na babaeng naalimpungatan matapos makipagtalik sa kanyang tiyuhin pala na inakalang mister niya dahil sa dilim ng kwarto nila sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang suspek sa alyas na “ Loy”, 52, habang ang biktima ay itinago sa pangalang “Jen”, kapwa residente ng Brgy. San Martin IV.

Sa report ni SJDM police Plt. Col. Ronaldo Lumactod Jr, nangyari ang insidente bandang alas-3 ng madaling araw nitong Nobyembre 4 sa bahay ng biktima.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naalimpungatan ang biktima nang maramdamang may kumukubabaw sa kanyang nakatiyangyang na alindog.

Inakala niyang mister niya ang bumabayo sa kanyang ibabaw kaya pinagkibit-balikat niya na lamang subalit naalala niyang umalis at pumasok sa trabaho ang kanyang asawa.

Agad siyang napatayo at binuksan ang ilaw hanggang sa makita ang suspek na kanyang tiyuhin na kumaripas ng takbo palayo.

Dahil dito, humingi ng saklolo ang biktima sa kanilang barangay kaya nahuli ng mga rumespondeng tanod ang suspek at isinuko naman kalaunan sa pulisya.

Napag-alamang nakatakdang ipasuri ang biktima sa Regional Forensic Unit 3 para sa medico legal examination habang ang suspek ay nahaharap sa kasong rape. Dick Mirasol III