Misis ng retiradong pulis pinaghahanap vs maanomalyang pension claim

Misis ng retiradong pulis pinaghahanap vs maanomalyang pension claim

July 11, 2020 @ 12:19 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinaghahanap ng pulisya ang asawa ng retiradong police sergeant dahil sa pagtanggap ng mahigit P535,000 mula sa Philippine National Police (PNP) retirement system sa pamamagitan ng umano’y maanomalyang pension claim.

Ayon kay PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa, hindi sinabi ng perpetrator, na kinilalang si Lucila de Mesa, sa PNP Retirement and Benefit Administration Service (PRBS) na nasawi na ang asawa nito noong Pebrero 2019 at patuloy pa ring nakatatanggap ng pensyon nito.

“The monthly pension was supposed to stop in March 2019 but de Mesa’s wife Lucila failed to report her husband’s death,” saad ni Gamboa.

Iniutos na rin ng PNP chief na bawiin ng PRBS ang kabuuang P535,355.93 mula kay de Mesa.

Samantala, naghain na rin ng kaso ang PRBS laban kay de Mesa sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Nauna na ring iniutos ni Gamboa sa pamunuan ng PRBS na alisin ang listahan ng mga pensioner ng pekeng kumukuha nito matapos sabihing nawawalan ng milyon-milyon ang PNP retirement system. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...