Misis nilunok nang buo ng sawa

Misis nilunok nang buo ng sawa

October 26, 2022 @ 6:09 PM 1 month ago


INDONESIA – Nilunok nang buo ng isang malaking sawa ang isang ginang sa isang rubber plantation sa Indonesia kamakailan lang.

Wala nang buhay ngunit buo pa ang katawan ni Jahrah Jarefa, 50, ng lalawigan ngJambi, nang matagpuan ito sa tiyan ng sawa na may habang limang metro.

Ayon sa kanyang asawa, nagpunta sa plantasyon si Jahrah sa umaga ng Linggo ngunit hindi na ito umuwi kinagabihan.

Dahil dito, hinanap siya ng kanyang asawa at mga kasamahan nito at dito na nila natagpuanang sawa na may malaking laman sa tiyan.

Pinagtulungan umanong patayin ang sawa ng mga tao at nang buksan ang tiyan nito, tumambad na ang katawan ni Jahrah.

Pangatlo na si Jahrah sa mga nilamon ng malaking sawa sa nakalipas na limang taon. RNT