Misis pinugutan ng ulo ng selosong mister

Misis pinugutan ng ulo ng selosong mister

August 29, 2022 @ 9:45 AM 1 month ago


LAKE SEBU- PUTOL ang ulo at wala ng buhay na nakadapa sa damuhan ang isang misis matapos itong pagtatagain ng kanyang mister dahil sa selos nitong Biyernes sa bayang ito, probinsya ng South Cotabato.

Kinilala ang biktimang si Marina Klanding Kuyan, nasa hustong gulang habang ang nadakip na suspek at mister nito ay kinilalang si Julie Kabansil Kuyan, 44 anyos, at residente ng Sitio Kabalig, Barangay Klubi, Lake Sebu, South Cotabato.

Batay sa report ng Lake Sebu Municipal Police Station, bandang tanghali ng maganap ang krimen sa labas ng bahay ng mag-asawang Kuyan.

Ayon kay PLt. Col. Joven Bagaygay, hepe ng Lake Sebu PNP, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay dahil umano sa matinding selos.

Sa sobrang galit ng suspek kumuha ito ng itak at pinagtataga sa iba’t iba’t parte ng katawan ang biktima subalit sa kabila ng mga tama ni Marina nagawa pa nitong gumapang palabas ng bahay.

Sinundan pa rin siya ng kanyang mister (susek) at pinagtataga sa leeg hanggang sa maputol ang ulo saka tumakas ang suspek.

Ilang oras ang makalipas sumuko naman sa mga sundalo ang suspek at inamin ang nagawang krimen.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Lake Sebu-PNP ang suspek at nahaharap sa kasong parricide./Mary Anne Sapico