Misis timbog sa pagbebenta ng pekeng vaccination card

Misis timbog sa pagbebenta ng pekeng vaccination card

January 12, 2022 @ 10:30 AM 7 months ago


SANTIAGO CITY – Mahaharap sa kasong falsification of public documents ang isang babaeng umanoy nagbebenta ng pekeng Vaccination Card sa old Old Public Market Gate 1, Centro East dito sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ang suspek na si Joan Dariano, 31 anyos, may asawa, self-employed at residente ng Abra, Santiago City na natuklasan ng City Health Office na nagbebenta umano ng pekeng vaccination card ng nasabing suspek.

Sa pagsisiyasat ni P/Staff Sgt. Jomar Dela Cuesta, nakita ng Market Guard ng City Public Market Office na si Fermin Pineda ang pagbebenta ng pekeng vaccination card ni Dariano na kanyang iniulat sa mga otoridad.

Ayon sa Market Guard, habang rumoronda sa Old Public Market ay nakita niyang nagtitinda ng umanoy pekeng Vaccination card ang babae na agad niyang dinakip.

Hinanapan ng market guard ng vaccination card ang pinaghihinalaan ngunit ang kanyang ipinakita ay apat na blangkong vaccination card na may kumpletong pangalan at pirma ng CHO employees, Vaccination brands at date of Vaccination.

Dipensa ng pinaghihinalaan na si Dariano, kanyang inihayag na nabili nito ang pekeng vaccination card sa isang lalaking

Nakumbinsi siyang bilhin ang apat na blangkong vaccination card sa halagang isang daang piso sa pag-aakalang lehitimo ang mga lagdang nakaimprenta mga nasabing vaccination card na kanya rin ibinibenta. Rey Velasco