Misis tinodas ng kinakasama

Misis tinodas ng kinakasama

July 4, 2022 @ 4:05 PM 1 month ago


LUNA, ISABELA- Patay ang isang misis matapos pagbabarilin ng kanyang dating ka-live in partner sa isang vakanteng lote dito sa nabanggit na bayan.

Ayon kay PCol. Julio Go, Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, sa mabilis na pagresponde ng kapulisan ay agad na nahuli ang suspek na pansamantala itinago sa pangalang Cris habang ang biktima na si Lyca Asirit, 20-anyos, residente ng Brgy. San Isidro sa nabanggit na bayan.

Posibleng selos ang naging sanhi pamamaslang ng suspek dahil halos mag-tatlong buwan pa lamang na maglive-in partner ang mga ito.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, may pinagseselosan umano ang suspek na nauwi sa mainiting pagtatalo hanggang sa mabaril nito ang kanyang kinakasama.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang biktima na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Narekober sa crime scene ang apat (4) na basyo ng bala ng baril habang nasa pangangalaga na ngayon ng kapulisan ang suspek. Rey Velasco