MisOr, Basilan wagi sa VisMin Super Cup

MisOr, Basilan wagi sa VisMin Super Cup

December 11, 2021 @ 3:31 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nasikwat ni  Globalport-MisOr ang top seeding sa susunod na round nang pabagsakin ang Roxas, 84-73, sa pagtatapos ng elimination round ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Challenge nitong Biyernes sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga Del Sur.

Tangan ang 8-4 karta sa pagtatapos ng double-round elimination, awtomatiko sa semifinals ang Valientes at haharapin ang mananalo sa pagitan ng Zamboanga Sibugay-Roxas Vanguards quarterfinals matchup.

“Pinahirapan kami bago makapasok sa semis. We had many chances to clinch but ‘yun ang mahirap sa liga na ito eh so balanced pero it’s still an advantage for us malaking bagay ito,” pahayag ni MisOr head coach Vis Valencia.

Ratsada ang Valientes sa 25-10 bentahe sa first quarter at hindi na nakatikim nang banta sa karibal tungo sa panalo. Sa kanilang unang pagtutuos, natambakan din ng MisOr ang Roxas, ngunit nakabangon mula sa 23 puntos na paghahabol ang Vanguards para sa 90-87 panalo.

Sa pagkakataong ito, ang pinakamalapit na nagawa ng Vanguards ay saw along puntos matapos ang magkasunod na layup ni James Martinez para sa 55-63 count may 7:17 ang nalalabi sa laro.

Pinangunahan ni Joseph Nalos, tumipa ng kabuuang 18 puntos, ang 9-2 run para palawigin ng nMisor ang bentahe.

Sa ikalawang laro, naisalpak ni Julz Julkipli ang game-winning shot para sandigan ang Basilan BRT sa makapigil-hiningang 75-73 panalo laban sa Zamboanga Sibugay.

Sinimulan ng Peace Riders ang fourth period sa dominanteng 17-4 blitz para hilahin ang dikit na 53-55 sa 70-59 bentahe may 5:08 ang nalalabi sa laro.

Ngunit, nagawang makahirit ng Zamboanga Sibugay sa krusyal na sandali, tampok ang three-pointer ni Michole Sorela para maitabla ang iskor sa 73-all may 31.6 segundo sa laro.

Nagmintis ang tira ni Dennis Daa, ngunit nagawang matapik ni Julkipli ang bola para sa putback shot na nagbigay ng bentahge sa Peace Riders.

May tsansa ang Warriors na maipuwersa ang laro sa overtime, ngunit sablay ang dalawang pagtatangka ni Sorela sa final buzzer.

“Yun ang sinasabi namin sa kanila go for the rebound parati kasi kailangan namin. Si Daa talaga option namin pero sabi namin kailangan natin ng offensive rebound,” pahayag ni Basilan head coach Ron Jalmanzar.

Kumuba si Daa ng 19 puntos para sa Peace Riders na tumbao sa No.6 tangan ang 5-7 karta. Mahahaharp nila sa quarterfinal duel ang No.3 seed.

Iskor:

(Unang Laro)

MisOr (84) – Nalos 18, Cervantes 12, Meca 12, Ubalde 11, Estrella 8, Lee Yu 7, Baracael 6, Salcedo 4, Ballesteros 3, Caranguian 2, Aguilar 1, Bernardo 0, Agbong 0.

Roxas (73) – Martinez 27, Tabi 13, Templo 10, Dela Cruz 9, Segura 7, Valin 5, Mandreza 2, Monte 0, Abanto 0, Basco 0.

Quarterscores: 25-10, 44-32, 60-46, 84-73.

(Ikalawang Laro)

Basilan (75) – Daa 19, Morada 10, Soliva 8, Luciano 8, Solis 7, Panganiban 5, Royo 5, Butalid 4, Albina 3, Julkipli 3, Lunor 3, Bulac 0, Cadiz 0, Ansaldo 0.

Zamboanga Sibugay (73) – Jamon 13, Imperial 11, Octobre 10, Sorela 9, Dumapig 9, Mantilla 7, Tayongtong 7, Arong 5, Bangcoyan 2, Albrecht 0, Acain 0, Lacastesantos 0, Caunan 0.

Quarterscores: 17-16, 36-32, 53-55, 75-73.