Miss Earth Philippines 2020 winner, ganap nang sundalo

Miss Earth Philippines 2020 winner, ganap nang sundalo

January 11, 2023 @ 7:56 PM 2 weeks ago


LAL-LO, CAGAYAN-Matapos tahakin ang mundo ng beauty pageant ay pinasok ang larangan ng law enforcer o pagiging sundalo si Second Lieutenant Lyka Lagasca na nanalong Eco-Angel Warrior noong Miss Earth Philippines 2020 kung saan naging kinatawan siya ng Lal-lo, Cagayan.

Tubong barangay Magapit sa Lal-lo, Cagayan si 2LT Lagasca at nagtapos ng programang Tourism and Hospitality Management sa University of Santo Tomas taong 2019 kung saan siya ay nagtapos bilang Cum Laude.

Si 2LT Lagasca ay dating miyembro ng Youth for Peace-Cagayan Chapter na nagtapos noong 2021 at kabilang sa Officer Candidate Course (OCC) Class 2022.

Ani 2Lt. Lagasca: “Mahirap lalo na kung kagaya kita na nag-apply ng patago dahil hindi ako sigurado sa papasukin kong mundo pero heto po ako ngayon… sulit na sulit yung pagod, hirap, puyat, iyak at bawat araw na take and take sa loob ng training bago naging ganap na sundalo.”

“Salamat sa lahat ng mga nakasama ko Team Ecoangel (MPE 2020), LGU LAL-LO, 501st BDE, 5CMO, YOUTH FOR PEACE CAGAYAN, TEAM AKAP & CLASS 57-2022 KABINNADANG,” dagdag na pahayag ni 2Lt. Lagasca. Rey Velasco