Miss Manila muling inilunsad!

Miss Manila muling inilunsad!

March 2, 2023 @ 12:38 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Muling inilunsad ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ang Miss Manila na isa sa pangunahing aktibidad sa pagdiriwang ng ika-452 Araw ng Maynila sa Hunyo 24, 2023.

Lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila na pinangunahan nina Manila Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna-Pangan at Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) Officer-in-Charge Charlie Dun~go na kumatawan sa pamahalaang lungsod habang sina Zenaida Katerine Valenzuela, Chief Executive Officer (CEO) at Dorothy Laxamana ang kumatawan naman sa KreativDen sa muling paglulunsad ng Ms. Manila 2023 na isinagawa sa Bulwagang Katipunan sa loob ng Manila City Hall.

Sinariwa naman ni Lacuna sa kanyang pagsasalita ang kasaysayan ng pagkakaroon ng patimpalak ng kagandahan na unang isinagawa sa Lungsod ng Maynila bilang Ms. Carnival noong 1908 na ginanap sa Luneta.

Aniya, itinanghal bilang unang Ms. Carnival ang Ilongga na si Pura Villanueva Kalaw na bukod sa pagiging manunulat ay isa ring aktibista na nagsulong ng karapatan ng kababaihan na makalahok sa pagboto dahilan upang mapabilang ito sa Bill of Rights.

“After so many years, the 3rd Manila Carnival Queen hails from Manila who happens to be the daughter of Pura Villanueva Kalaw, Maria Kalaw Katigbak. Siya po ay ipinanganak sa Sampaloc at nag-iisang Senador noong panahon na iyon. It’s just goes to show na ang pageantry po hindi po puro beauty. It’s more of kung ano talaga ang worth ng isang babae,” ayon sa Alkalde.

Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga lalahok sa Miss Manila na aniya ay dapat na maging totoo sa kanyang sarili.

“She has to love herself first before she can love others. She should embody the traits of the true Manilena and she should be a strong advocate for all of the rights of all women. Yan po ang traits ng isang tunay na Manilena,” sabi pa ng alkalde. JAY Reyes