Miss U Spain 2017 Sofia Del Prado at Laura Nicholls, umaming mag-on!

Miss U Spain 2017 Sofia Del Prado at Laura Nicholls, umaming mag-on!

August 10, 2018 @ 8:48 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Muling itinaas ng mga beauty queen sa Spain ang rainbow flag matapos kumpirmahin ng magkasintahang Miss Universe Spain 2017 Sofia del Prado at Laura Nicholls ang kanilang relasyon sa social media nitong weekend.

Makikita sa Instagram post ni del Prado ang sweet nilang litrato ni Nicholls na may caption na, “Gracias por ser tú y estar a mi lado.” (Thanks for being you and being by my side.)

https://www.instagram.com/p/BmGyFtzH1XF/?taken-by=sofiadelpradoofficial

Sinundan naman ito ni Nicholls, player ng women’s national basketball team ng Spain simula noong 2008, ng kaniyang post na siyang tumapos ng usap-usap sa pamamagitan ng halik.

“Algunos lo sabéis ya pero al resto… algún día llegará alguien que os dará la vuelta a la vida entera y encontraréis 1000 y una nuevas formas de ser feliz!” ayon sa caption ng post ni Nicholls. (Some of you already know, but to the rest … someday someone will come who will turn you over your whole life and you will find 1000 and a new way of being happy!)

Lumikha ng ingay sa iba’t ibang entertainment daily sa Spain ang lesbian relationship ng dalawa.

Si del Prado ay kinoronahan bilang Reina Hispanoamericana noong 2015 at nitong nakaraang taon lamang ay kinoronahan din bilang Miss Spain at nakapasok sa Top 10 ng 66th Miss Universe pageant.

Ang pinasahan naman niya ng korona na si Angela Ponce ay isa ring torch-bearer ng LGBTQ+ community dahil siya ang kauna-unahang trans woman na nakasungkit ng Miss Universe Spain title. Remate News Team