Miss Universe Philippines, tumatanggap na ng bagong application!

Miss Universe Philippines, tumatanggap na ng bagong application!

February 1, 2022 @ 5:48 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Mga ate, take note dahil bukas na ang Miss Universe Philippines organization at tumatanggap na ng bagong applications para sa susunod na magiging queens!

Ayon sa socmed post ng nasabing organization, ang applicants ay kailangang at least 18 and under 28 years old of age sa Miss Universe Philippines coronation night on April 30. Kailangan din na legit na Filipino citizen ang applicant na may Philippine passport. Also, ang applicant ay hindi pa dapat ikinasal at hindi pa nanganak.

At ang maganda, gaya last year ay alaws itong height requirement.

“Follow the footsteps of your favorite Miss Universe Philippines queens and start a queendom of your own!” sabi pa sa caption.

Sa mga sasali, magpadala na ng send application form na makikita sa Instagram account ng Miss Universe Philippines organization, kumpletuhin ang bio at i-email sa [email protected]. Ang application period ay hanggang Feb. 15 at 11:59 p.m.

Kaya mga ate, arat na! Joey Sarmiento