Missile tests ng NoKor kinondena ng Pinas

Missile tests ng NoKor kinondena ng Pinas

February 23, 2023 @ 4:02 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kinondena ng Pilipinas ang isinagawang testing sa
intercontinental ballistic missile (ICBM) ng North Korea noong nakaraang Sabado, Pebrero 18.

“These tests provoke tension and undermine peace and stability in the Korean Peninsula, in the region and the world,” saad sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules, Pebrero 22.

“The Philippines reiterates its call for the DPRK (Democratic People’s Republic of Korea) to immediately put a stop to these missile tests, comply with UNSC resolutions and resort to diplomacy and peaceful dialogue with the Republic of Korea,” dagdag pa.

Matatandaan na naglunsad ng multiple unidentified ballistic missiles sa dagat ng Korean Peninsula ang North Korea.

Ayon sa nasabing bansa, ang pinakawalan ay isang Hwasong-15 ICBM sa isang “surprise ICBM launching drill” sa utos ng lider na si Kim Jong Un.

Lumipad ang missile sa layong 989 kilometro sa loob ng 67 minuto sa taas na 5,768.5 kilometro ayon sa Korean Central News Agency.

Nauna nang nagbabala ang kapatid ni Kim Jong Un ng mas marami pang pakakawalang missile kung hindi ititigil ng Estados Unidos ang military drill nito kasama ang South Korea. RNT/JGC