Missing parcels sa Shopee, imbestigahan!

Missing parcels sa Shopee, imbestigahan!

January 13, 2023 @ 8:11 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinihimok ng isang digital advocate group ang Department of Trade and Industry (DTI) na imbestigahan ang mga problema ng mga customer ng Shopee sa mga naantala at nawawala pa nga mga parcels.

Sinabi ni Digital Pinoys national campaigner Ronald Gustilo, mayroon nang “maraming” reklamo laban sa Shopee.

“Dapat tingnan ito ng DTI dahil nagdudulot ito ng malaking abala para sa mga customer, sa mga nagbebenta sa kanilang platform at sa mga delivery riders,” aniya sa isang pahayag noong Huwebes.

Sinabi ni Gustilo na ang mga mamimiling nagreklamo ay nagsabing ang mga bagay na kanilang inorder noong isang sale noong Disyembre ay hindi pa dumarating, habang ang ilang mga order ay na-tag na nawawala.

“Many sellers are now disgruntled because they are paying for a platform fee, commission fee, packaging and delivery, among many other fees to use the platform but Shopee can’t even get the sorting done right. Sellers are losing their earnings and are still being charged despite the platform’s inefficiencies,” giit ni Gustilo.

Nanawagan pa si Gustillo sa Shopee na sagutin ang mga bayarin na natamo ng mga kasosyong nagbebenta nito.

“It is unfair to make the sellers shoulder the return delivery fee after Shopee messed up big time. Even the packaging cost dapat i-refund ng Shopee,” aniya. RNT