Missionary group pumalag sa terrorism financing case ng DOJ

Missionary group pumalag sa terrorism financing case ng DOJ

August 19, 2022 @ 8:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umaray ang isang missionary group matapos na maapektuhan ang kanilang humanitarian operations sa kasong isinampa sa kanilang mga miyembro ng Department of Justice ukol sa umano’y terrorist financing

Sinabi ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) na dahil sa pag-atake umano sa kanila ng pamahalaan ay lubhang naapektuhan na ang kanilang missionary work sa mga mahihirap at katutubo.

Iginiit ng grupo na ang lahat ng kanilang proyekto ay above board at dokumentado.

Una nang kinasuhan ng DOJ ang 16 na indibidwal dahil sa tinatawag na terrorist financing.

Karamihan sa mga respondents ay pawang miyembro ng RMP kabilang ang ilan madre.

Ang kasong terrorist financing ay isang non-bailable offense.

Sa kalatas sinabi ng RMP na ibinase lamang ng DOJ ang kaso laban sa kanila sa testimonya ng dalawang nagpakilalang surrenderees ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

Iginiit ng grupo na well-documented at accounted for ang lahat ng kanilang proyekto at tumatalima sa mga requirements para makakuha ng pondo. Teresa Tavares