Mister, arestado sa 5 counts of rape

Mister, arestado sa 5 counts of rape

July 4, 2022 @ 4:56 PM 1 month ago


Quezon- Hindi na nagawang makapalag ng isang 40-anyos na mister nang arestuhin ito ng pinagsanib na puwersa ng Macalelon PNP, 2nd QPMFC, PIU Quezon PPO, RIU4A PIT quezon , San Pablo City PNP , 85TH IB 2ID , MICU , TOG4 TOWSOL at RID4A RIT Quezon sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 5 Counts of Rape sa Barangay Malabahay bayan ng Macalelon.

Ang suspek na nasa Top 1 Most Wanted Person sa lalawigan ng Calabarzon na pansamantalang nakapiit sa Macalelon PNP na nakilalang si Dario De Mesa y Revilla, 40, residente ng nabanggit na lugar.

Base sa report ni PCol Joel A. Villanueva Provincial Director ng Quezon PPO kay PBGen. Antonio C. Yarra Regional Director PRO4 Calabarzon, ganap na alas-11:30 ng tanghali nang arestuhin ang suspek sa bisa ng warrant of arrest.

Nabatid sa ulat na ang suspek ay nahaharap sa kasong 5 Counts of Rape Criminal Case No. 3004- SP (21), 3005 -SP (21), 3006- SP (21), 3007 -SP (21) and 3008 -SP (21) na inisyu ni Hon. Pairing Judge Luvina Padolina Roque ng Regional Trial Court Branch 32, San Pablo City, Laguna, na may petsang Marso 24, 2021 na walang kaukulang piyansa.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya ang panghahalay ng suspek sa biktima ay naganap noong nakalipas na Nobyembre taong 2020 sa Barangay Sta Ana San Pablo City, Laguna.

Nadakip ang suspek sa tulong nang Alternative Recording Device ( ARD) Ganun din naman, ang matagumpay na pagkakaaresto kay Dario ay natala sa tulong Alternative Recording Device (ARD) gayundin sa pinaigting at aktibong pakikipag-ugnayan sa pamayanan sa pamamagitan ng Community Mobilization Program (CMP) at pakikipagtulungan ng Barangay Intelligence Network (BIN ).

“Kapuri-puri ang dedikasyon ng Quezon PNP na pinamumunuan ni PCol Joel Villanueva dahil sa patuloy na ipinamalas ang tapat at pantay na publiko-serbisyo sa pamayanan ang pagkakaaresto kay Dario (CALABARZON TOP 1 MWP na may kasong (5) Counts of RAPE) ay isang patunay lamang na ang Pulis CALABARZON na patuloy ang pagtugis sa mga taong may pananagutan sa batas at makakaasang patuloy na maglulunsad at palawakin ang pagpapaigting ng mga operasyon na layunin na mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng ating mga kababayan at ng lipunan kinabibilangan,” ani PBGen. Antonio C. Yarra. EllenApostol