Mister DOA, misis grabe sa tambang sa Caloocan

Mister DOA, misis grabe sa tambang sa Caloocan

November 25, 2021 @ 9:46 AM 3 days ago


MANILA, Philippines – Tinambangan at pinagbabaril ang mag-asawa sa 5th ave. Frace park sa Caloocan, ayon sa pulisya.

Sa ulat ng awtoridad, dead on the spot ang lalaking kinilalang si Penencio Daccuro habang kritikal naman ang asawa niyang si Jenelyn Bacurro, kapwa residente ng Dalandan, Valenzuela.

Lulan din ng sasakyan na tinambangan at pinaulanan ng bala ng baril ng riding-tandem ang mag-asawa pang nakasakay sa likurang bahagi ng sasakayan.

Ang dalawa ay nakaligtas sa krimen.

Base sa paunang impormasyon, nanggaling umano ang apat sa Divisoria at habang tinatahak nila ang Rizal Ave. 5th Ave. kumanan ang ito para mag-u-turn nalang sa tapat ng  La Loma pero bago makarating ng C3 ay dinikitan na sila ng riding in tandem saka pinagbabaril.

Nasapul si Penencio sa kanang leeg na tumagos naman at nasapul ang asawa niya.

Patuloy pa ang imbistigasyon ng Caloocan Philippines National Police sa pamamaril. RNT