Mister na hindi inuuwian ni misis, pinatay sa saksak ang 3 anak, 1 sugatan

Mister na hindi inuuwian ni misis, pinatay sa saksak ang 3 anak, 1 sugatan

August 5, 2018 @ 3:11 PM 4 years ago


 

 

Davao – Patay ang tatlong magkakapatid habang ang bunso naman ay sugatan matapos pagsasaksakin ng sariling ama sa Davao del Norte.

Pinagbuntunan ng kanilang ama na si Joel Nonoy ang apat na magkakapatid dahil umano sa galit nito sa  ina ng mga bata.

Kinilala ang nasawing magkakapatid na may edad na 13-anyos, 11-anyos, 7-anyos, habang nagpapagaling naman sa ospital ang bunso na 4-anyos.

Pati ang suspek ay nasa ospital din dahil matapos nitong isagawa ang krimen ay nagtangka na rin itong magpakamatay.

Kwento ng lolo ng mga biktima, dakong 11 ng gabi nitong Huwebes, nakarinig siya ng batang umiiyak sa bahay ng mag-ama sa Samal Island.

Pinagwalang bahala lang ito ng matanda at huli na nang matagpuan ang mga biktima na duguan kasama ng suspek.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, lumilitaw na pinagbuntunan ng galit ng mister ang kaniyang mga anak dahil madalang na umuwi ang kaniyang asawa sa kanilang bahay.

Mahaharap sa kasong multiple parricide at frustrated parricide ang suspek. Remate News Team