Mister na most wanted sa homicide sa Navotas, dinampot

Mister na most wanted sa homicide sa Navotas, dinampot

March 1, 2023 @ 4:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Binitbit sa selda ang isang 51-anyos na lalaki na listed bilang most wanted sa kasong homicide matapos damputin ng pulisya sa manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong akusado bilang si Rogelio Siapo, ng Blk 29-C Lot 73 Phase 2 Area 1 Dagat-Dagatan NBBS, Navotas City.

Ayon kay Col. Umipig, nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas CPS ng impormasyon na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS, kasama ang Intelligence Section sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Luis Rufo Jr, ng joint manhunt operation in SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanilang bahay dakong alas-2:40 ng hapon.

Ani PCPT Rufo, si Siapo ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 170, Malabon City noong Mayo 8, 2003 para sa kasong Homicide. Boysan Buenaventura