Mister na wanted sa pagbabanta, nabitag sa Navotas

Mister na wanted sa pagbabanta, nabitag sa Navotas

December 1, 2022 @ 1:22 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isinelda ang isang mister na wanted matapos mabitag ng pulisya sa One Time Big Time (OTBT) manhunt operation in relation to S.A.F.E. NCRPO sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Nelson Ymas, 57 ng Blk 36, Lot 20 Phase 1-A, Brgy. NBBS Kaunlaran, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 4 ng Navotas police ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Ymas sa kanyang bahay dakong ala-1:15 ng hapon.

Si Ymas ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong November 12, 2008 ni Judge Ma. Celestina C. Mangrobang ng Regional Trial Court (RTC) Brnach 54, Navotas City para sa kasong Threats. Boysan Buenaventura