Mister na wanted sa statutory rape, dinampot sa Navotas

Mister na wanted sa statutory rape, dinampot sa Navotas

October 29, 2022 @ 12:03 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Himas-rehas ang isang lalaki na wanted sa kasong statutory rape at acts of lasciviousness matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Johngee Alcantara, 50 ng Blk 22 Lot 16 Phase 1-B Dampa St., Brgy. NBBS Kaunlaran, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang bahay.

Alinsunod sa kampanya ng PNP laban sa mga wanted person, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS at Sub-Station 4 ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanyang bahay dakong alas-8:05 ng gabi.

Si Alcantara ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong September 28, 2022 ni Judge Cecilia B Parallag ng Family Court Branch 9, Navotas City para sa kasong Statutory Rape at Acts of Lasciviousness. Boysan Buenaventura