Mister nanuntok ng Austrian national, patay

Mister nanuntok ng Austrian national, patay

December 7, 2021 @ 9:20 AM 10 months ago


CAGAYAN- Tuluyan nang binawian ng buhay ang  isang Austrian National  na ginulpi sa suntok ng isang mister na kapitbahay ng kanyang live-in partner sa Maguirig, Solana, Cagayan.

Halos tatlong  araw  lamang  ang  itinagal  ng   44-anyos  na si  David  Sigl, tubong Vienna, Austria na pansamantalang naninirahan  sa  bahay  ng kanyang  live-in partner  na si   Marimar  Bartolome, 23-anyos  sa  bayan  ng Solana.

Hindi pa malinaw  kung  ano  ang  dahilan  ng  pinag-awayan  ng  biktima at  ang suspek  na si Jomar Quiming na residente rin sa nasabing lugar.

Sinasabing  may  brain  injury  si  Sigl  na  sinuntok  daw  ni Quiming  gamit  ang  isang metal  knuckle.

Noong  una  dinala  raw  sa  isang  pribadong ospital sa  Tuguegarao  City ang  dayuhan at  lumabas  sa  kanyang  CT-SCAN na  may  brain injury  ito na sanhi ng kanyang kamatayan.

Makalipas  ang  isang araw, pilit  na  inilabas  ni  Bartolome  ang  kanyang asawa  sa  ospital  kung saan  pumirma  pa raw  ito  ng waiver  affidavit.   

Nagsusuka ng  dugo si Sigl hanggang sa  nawalan  ng  malay  tao  na dahilan  na rin  ng  kanyang  kamatayan. 

May dalawang testigo  na nakakita  sa  suspek  na  si  Quiming  na  nang-umbag kay  Sigl at nakatakdang sampahan ng kaso ang suspek. Rey Velasco