Mister patay, misis sugatan sa salpukan ng motorsiklo

Mister patay, misis sugatan sa salpukan ng motorsiklo

May 29, 2022 @ 12:55 PM 1 month ago


CAGAYAN -Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang mister habang sugatan ang kanyang misis matapos na bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang van sa Luna St., Tuguegarao City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Ray Francis Gumabay, 33 anyos habang ang kanyang backrider na kanyang misis na si Rose Ann na residente sa naturang lungsod.

Papunta ng Blumentritt St. sa north direksyon ang van na minaneho ni Rene Pajarillo, 24 anyos, nang biglang bumangga sa kaliwang bahagi ng sasakyan ang motorsiklo.

Batay sa kuha ng CCTV footage sa lugar ay mabagal umano takbo ng van at ang motorsiklo ang mabilis.

Kung saan tumilapon ang mag-asawa na agad na dinala sa isang pribadong pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ang mister habang ang kanyang misis ay nasa pagamutan pa.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya si Pajarillo at kanyang ginamit na sasakyan habang hinihintay ang susunod na hakbang kung makipag-areglo ang pamilya ng biktima. Rey Velasco