Mister, pinagbabaril patay!

Mister, pinagbabaril patay!

March 24, 2022 @ 4:40 PM 3 months ago


QUEZON PROVINCE – Patay ang isang 24-anyos na mister matapos paulanan ng bala sa kahabaan ng Sitio Pinag-Ulingan, Barangay Malabanban Sur sa bayan ng Candelaria.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alexander Langcao y Forbes, residente ng naturang lugar.

na nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat-ibang parte ng katawan mula sa hindi pa matukoy na baril na si , 24, naninirahan sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Candelaria PNP, dakong alas-6:30 ng umaga ng matagpuan ang biktima ng isang nagngangalang Emman Calapate y Garcia na duguang nakahandusay at wala nang buhay.

Napag-alaman na nagsosolong  naglalakad ang biktima nang bigla itong pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Samantalang patuloy ang imbestigasyon ng Candelaria PNP upang matukoy ang suspek. Ellen Apostol