Mister pinagbabaril, patay

Mister pinagbabaril, patay

January 15, 2022 @ 8:41 AM 7 months ago


Cotabato City – Nagkabutas-butas ang mukha ng isang mister matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang kalalakihan habang ang una ay naglalakad kahapon ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Yusop Abas Kusain, 44-anyos,may asawa at residente ng 2nd road Don E. Sero Street Barangay Rosary Heights 5 Cotabato City.

Batay sa report ng Cotabato-PNP, dakong 8:00 AM naganap ang krimen sa kalsadang sakop ng 3rd Road Don E. Sero Street Brgy. RH 5 ng lungsod.

Sa paunang imbestigasyon, naglalakad ang biktima ng bigla na lamang siyang lapitan ng dalawang suspek at pinagbabaril sa mukha gamit ang .45 kalibre nab aril.

Matapos ang krimen, mabilis na nagsitakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Agad namang dinala ng kanyang mga kaanak ang biktima sa ospital pero sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen sa pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip sa mga ito. Mary Sapico