Mister pinugutan ng ulo ng sintu-sinto

Mister pinugutan ng ulo ng sintu-sinto

February 1, 2022 @ 3:52 PM 8 months ago


CAGAYAN VALLEY-Isang lalaki ang nakahandusay sa gitna ng kalsada habang nakahiwalay ang ulo matapos pugutan ng sinasabing may diperensya sa pag-iisip sa Paroba 1, Tibag, Tarlac City, Tarlac.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ang tunay na pagkakilanlan ng biktima na walang habas na pinugutan ng ulo ng suspek na kinilala lamang sa ngalan na Rommel na residente sa naturang lugar.

Dakong 12:00 ngayong tanghali naganap ang karumal-dumal na pangyayari.

Sa pagresponde ng pulisya ay agad nahuli ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga ito.

Bago nahuli ang suspek ay tila nagmistulang teleserye na nakipag habulan ang mga pulis hanggang sa binaril na sa paa para makorner ito.

Napag-alaman kapag may natitiyumpuhan o may kursunadang dumadaan sa tabi ng suspek ay pinapalo niya ito hanggang sa nitong huli na may hawak ng itak ay namugot ng ulo. Rey Velasco