Misteryo ng nakaraan nina Rico at KC, muling binuhay!

Misteryo ng nakaraan nina Rico at KC, muling binuhay!

July 6, 2021 @ 9:10 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Viral ang Facebook post na Truth or Fiction kung saan binuhay nito ang dating namagitang relasyon kina KC Concepcion at Rico Blanco.

Inilarawan muna roon si Rico bilang dating frontman ng bandang Rivermaya, isang bokalista, musikero at kompositor na nag-aartista rin.

Lumalabas na ang post ay naglalaman ng mga nakakagulat na rebelasyon sa likod ng relasyong KC-Rico kung saan damay ang pamilya ng una.

Inisa-isa rin ang mga awitin ni Rico tulad ng Balisong na dedicated daw talaga para kay KC, kantang 241 at iba pa.

Binuhay ang panahong bumiyahe si KC sa Italy para magbakasyon, pero ang totoo raw ay itinago nito ang kanyang pagbubuntis courtesy of Rico.

Marami naman ang nagsasabing maliwanag na fake news ‘yon. Bakit nga naman sa itinagal-tagal ay ngayon lang ito nabunyag?

Pinapayuhan din si KC na aksyunan ang mapanirang post na ‘yon, na isang malaking kasiraan kundi man kasinungalingang pag-atake sa kanyang imahe at reputasyon. Ronnie Carrasco III