Misteryosong sakit na kumitil ng 4 katao sa Argentina, natukoy na

Misteryosong sakit na kumitil ng 4 katao sa Argentina, natukoy na

September 4, 2022 @ 11:16 AM 4 weeks ago


BUENOS AIRES – Umakyat na sa apat na indibidwal ang nasawi sa isang misteryosong sakit na kumalat sa isang klinika sa Tucuman, Argentina, ayon sa health official ng bansa.

Ang sakit ay tinukoy ni Health Minister na si Carla Vizzotti sa mga mamamahayag na “legionnaires” isang kondisyon dulot ng double pneumonia na isang napaka-rare na kondisyon.

Naunang tinawag na misteryosong sakit sa pneumonia ang naging sanhi ng kamatayan ng mga biktima.

Noong Lunes nang naitala ang tatlong nasawi sa sakit habang nitong Sabado lang naitala ang pang-apat na nasawi na isang g 48 taong gulang na lalaki.

Mayroon pang pitong iba pa na nakararamdam ng parehong sintomas sa nasabing klinika – karamihan dito ay mga health workers.

Ang sakit, na unang lumitaw sa isang pulong noong 1976 ng grupo ng mga beterano ng American Legion sa lungsod ng Philadelphia sa US, ay na-link sa kontaminadong tubig o hindi malinis na air-conditioning system.

Nauna nang sinuri ang mga pasyente sa COVID-19 pero silang lahat ay nagnegatibo rito kaya naman sinuri ang environmental contamination na posibleng dahilan ng sakit. RNT