Mix and matching mas pinatataas ang immunity – Domingo

Mix and matching mas pinatataas ang immunity – Domingo

July 7, 2021 @ 7:47 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na mayroong pagtaas ng immunity laban sa coronavirus disease kapag nagkaroon ng “mixing and matching” ng COVID-19 vaccine.

Ito aniya ang lumabas sa inisyal na pag-aaral.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, tinanong ng Chief Executive si Domingo kung mayroong panganib sa toxicity sa “mixing and matching vaccines.”

Ang sagot naman ni Domingo ay “preliminary studies are looking into protection of mixing and matching of vaccines.”

“Preliminary studies in other countries are very encouraging mukhang tumataas yung effect, immunity saka ng reaction ng pasyente,” ayon kay Domingo.

Tinukoy naman ni Domingo ang ginagawang pag-aaral sa Sinovac o Sinopharm vaccines na ima-match sa doses ng mRNA vaccines gaya ng Moderna at Pfizer.

Ang EUA ay ipinalabas para sa mga donated vaccines mula US, Japan

Samantala, nagpalabas naman ang FDA ng emergency use authorization  (EUA) sa Department of Health para sa posibleng donasyon ng Johnson & Johnson vaccines mula Estados Unidos.

Isiniwalat din ni Domingo na ang FDA ay nagpalabas ng EUA sa DOH para sa donated na AstraZeneca COVID-19 jabs mula sa bansang Japan.

Matatandaang nagpasabi na ang embahada ng Japan na magpapadala ito ng 1 million shots ng British-Swedish made AstraZeneca vaccines.

Masusi namang sinusuri ng FDA ang China firm Sinovac’s application sa revision ng emergency use authorization (EUA) kabilang na rito ang pagbabakuna sa mga kabataan na may edad na 3 hanggang 17.

“Ito inaaral natin, siguro within the month will see  if we will allow the use Sinovac in children,” ani Domingo.

Sinabi pa ni Domingo na ang Gamaleya Research Institute ng Russia ay nag-apply para sa pag-amiyenda ng EUA nito, kung saan ay humihiling na palitan ang maximum interval period na 42 days mula sa dating 21 days. Kris Jose