‘Mixing and matching’ ng COVID vax pinag-aaralan pa – Malakanyang

‘Mixing and matching’ ng COVID vax pinag-aaralan pa – Malakanyang

June 24, 2021 @ 7:05 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hanggang sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang posibilidad na paggamit ng isang tao na magkaibang brand ng bakuna laban sa COVID-19 para sa kanyang 1st at 2nd dose.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hanggang ngayon ay wala pa ring konklusyon ang mga dalubhasa sa usaping ito.

“Specifically, dahil ang tanong mo is from inactivated to MRNI ‘no, so pinag-aaralan po iyan pero may—well I’m not a dalubhasa. Perhaps si Father (Austriaco) can share his views being a molecular biologist. Iyong different platform, Doc.,” ani Sec.Roque.

Para naman kay Dr. Fr. Nicanor Robles Austriaco, Jr. OP molecular biologist and Catholic priest na may nagaganap na aniyang clinical trials sa buong mundo sa usaping pagsasama ng magkaibang brand ng bakuna sa 1st at 2nd dose.

“There are mixing and matching – both inactivated virus with MRNA vaccines or vice versa or adenovirus and MRNA vaccines. The initial data from the United Kingdom shows that when you mix and match two doses, the side effects are actually more challenging after the second dose than if the both doses are the same—from the same brand,” aniya pa rin.

Sa ngayon ay hinihintay pa anila ang data para sa immune response ng “mixed dosing strategy.”

“It’s expected to be published in the next two or three weeks,” lahad pa ni Austriaco. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •